Maraming modelo ang buhay: palasurian, palaisipan
at talinghaga na tumutulong natin para maunawaan ang isang bagay na kumplikado,
masalimuot at tila baga di maunawaan sa buhay.
Mayroong ang Buhay ay isang Larong
paaralan ng kaisipan (at marami nitong sakop na eskwelahan): Buhay na isang
Baseball game, Buhay na isang Football game, Buhay ay katulad ng Tennis, Buhay
ay katulad ng Chess, Buhay ay Monopoly at iba pa.
Sabi ni Eugene Hare minsan, “Ang Buhay
ay parang laro ng kards.” Sa di makitang pinanggalingan ang kards ay pinag iiba
iba ang pagkasunodsunod nito at pagkatapos idedel sa naglalaro. Pagkatapos,
kinumpleto ni Josh Billings ang palaisipan: Ang buhay ay binubuo hindi lamang
sa paghawak ng magagandang kards kundi sa pakikipaglaro na mabuti ang paghawak
nito.
Talaga bang laro ang buhay o gawain?
Sabi ni Karl Marx, “Ang mabuhay ay pagtatrabaho,” at sabi pa ni Henry Ford at
ang ibang tao ay sumang-ayon. (“Ang buhay ay trabaho.”). May di sumang-ayon
naman sa sinabi ni Leon de Montenaeken na “Ang buhay ay laro,” and ni Liza de
Minnelli na kumanta, “Ang buhay ay bahay-sayawan.”
Sabu ni Seneca, “Ang buhay ay laro.
Hindi ang haba nito kundi ang pagganap ang may kwenta.” Anong klaseng laro kaya
it? Ang suhestiyon ni Jean de La Bruyere ay ang buhay ay “trahedya sa mga
nagdamdam, katatawanan naman sa mga nag-iisip.” Tinawag naman ni Kirk Douglas
na ang buhay ay isang iskrip ng nakakatawang larawan, sagot naman ni Seneca kay
Douglas sa isang pangungusap “Di masama.”
Si Shakespeare syempre tinawag ang
buhay “Ang manlalaro dito ay magyabang at nag-alala sa isang oras na yugto…” at
dinugtungan pa ni James Thurber na “Ito’y kwento na isinaysay sa idyoma, puno
ng galit at walang tunog.” George Bernard Shaw, “Ang buhay ay hindi isang
maikling kandila kundi parang isang maliwanag na tanglaw na aking nahawakan sa
ngayon.”
Mayroon naman nagustuhan ang pangmusika
na palasurian. “Ang buhay ay parang isang trumpeta,” W.C. Handy pinupunto na, “Kung
hindi marami ang ibibigay mo papasok, ay hindi rin madami ang makukuha mo palabras.”
Sabi ni Samuel Butler, “Ang buhay ay isang paglalaro mag-isa ng violin sa
publiko at natuto ka sa instrumento sa kalaunan. Ella Wheeler Wilcox sa kanyang kanta: “Ang
buhay natin ay mga kanta: Ang Diyos ang sumulat sa salita at tayo ang
nagpapaayon nito sa mga gusto nating musika; at ang musika ay nagiging masaya,
o matamis o malungkot habang pinipili natin ang uso ng pagsusukat.”
Isa sa pinakamagandang sinulat na
pagsusuri ay galing sa Jewish Theological Seminary: “Ang buhay ay nag-iisang
letra ng alphabet. Itong maging walay kahulugan. O pwede itong maging parte ng
isang malaking kahulugan.”
Isang napakalaking letra ng alphabeto
sa Amerika, pagsasawalat ni Helen Keller, “Ang buhay ay isang walang takot na
pakikipagsapalaran o wala.” George Bernard Shaw, sa kanyang sariling pananaw
sumang-ayon: “Ang buhay ay nagkasunodsunod na nakakagiliw na kahangalan.
Mahirap ang paggawa nito. Huwag mawalan ng pagkakataon: hindi ito dumadating
araw-araw.”
Kung naging masyado tayong pribado sa
pag-uugnay o pagsasangguni, balik tayo sa kamunduhan. Paano kaya kung isasara
natin ang kabanatang ito sa pagbabatay ng Buhay sa Pagkain?
“Ang buhay ay isang sibuyas,” Carl
Sandburg nagsulat, “kung babalatan mo ito sa isa-isa sa nakapatong nitong
balat, at minsan iiyak ka.” “Ang buhay isang artichokes,” T.A Dorgan nagsasabi
sa atin, “dadaanan mo pa ang napadaming proseso pero nakukuha mo lang ay konti.”
O sa pinupunto ni Auntie Mame, “Ang buhay ay isang salo-salo, pero ang mga dumadalo
ay nagugutom pa rin.
At ano kaya para sa atin ang buhay? Ano
ang paghahantulad na ginagamit natin para dito sa paglalarawan? Hanggang sa
sunod na paglalathala ng pagsusulat nalang.
Ang
buhay ng tao na kahit anong halaga ay isang walang katapusang estoryang
palaisipan.
Ang
pinakalayunin sa pagkabuhay ay para mapagkasundo ang umuusbong na opinion na
dinadala sa sarili natin habang ang ibang tao ay may mga kakilakilabot na bagay
na sinasabi tungkol sa atin.
Post a Comment