Ang katawan ay mayroong katakutakut na
karunungan: nagpapadaloy ito ng dugo, nagtutunaw ng pagkain, at gumagawa ng
libo’t libong gawain kada segundo kahit hindi mo ito iniisip.
Ang katawan ay biglaang magkakasakit at
gumagaling lang ito ng kanyang sarili. Nakakakita, nakakarinig, nakakadama,
nakakalasap, nakakaamoy at may pandama na nagagawa kahit hindi ito tinuturuan
kung papaano. At nakakagawa pa ito ng kagulatgulat at nakakahangang pagbalanse
ng buong katawan sa dalawang paa lang, kahit na anong laki, porma at ayos nito.
At ang kapansinpansin pa kung ang
katawan kahit minsan ay walang angking talino, may likas na hilig ba. Di tao lang,
hayop may katawan din, kumpleto ito ng karunungan at may likas na hilig. Pero
may bagay na kung anuman ito ay may – dahilan, talino, kamalayan, kaluluwa na
nag iiba ng tao sa hayop.
Itanong mo sa sarili: ikaw ba ay nasa
katawan mo, o nasa mas higit pa nito? Ito ay may laman na tanong. Sino ang
makakapigil ng tukso para makakasama sa mas higit pa o sabihin natin sa may
misteryosong mas higit pa?
Tingnan mo ang punto sa tanong na: Ikaw
ba ay higit pa sa iyong katawan?
Kahit na kapansinpansin at kahangahanga
man ang katawan, alam natin na mas higit pa tayo nito.
Ang katawan ay
isang komunidad na gawa ng di mabilang na “cells”.
Post a Comment