Ito ay hindi isang sorpresa, kung
iisipin nating na ang buhay ay para matuto, ating titingnan ang proseso na ang
buhay ay isang silid aralan. Pero hindi ito nakakainip, nakaupo lang sa hanay
at nakikinig sa walang kabuhaybuhay na pagtuturo ng isang professor sa
silid-aralan. Ito ay isang pinakamataas na level ng karanasan. Kaya matatawag
natin ito na, marami sa buhay ay lugar paggawaan (workshop).
Siguro magustuhan natin na isipin na ang
buhay na lugar-pagawaan/silid-aralan ay nakaayos ng mabuti para tayo ay matuto
sa mga kailangan nating malaman, sa panahon na kailangan natin itong matutunan,
sa paraan na kailangan natin itong matutunan.
Ang salita na ginagamit natin sa
paggawa ay kailangan, hindi gusto o kagustuhan.
Tayo ay hindi palaging natututo sa
ating gusto o kagustuhan para mapag-aralan kung gusto nating matuto. Sa
elementarya pa tayo isa lang na nilalang ang intresado o mausisa nating pinag-aaralan
ang masilan na parte ng katawan nito, mabuti nalang may mga magazines at libro
na nagbibigay ng dagdag na kaalaman natin dito.
Ang titser ng biology ay may ibang
klaseng lesson plan na ibang-iba kung ano ang meron tayo. Kaya ito ay tinatawag
na Buhay.
Ang leksyon na matutunan natin sa buhay
ay magkaibang lahat sa anyo at laki. Katulad sa paaralan, ang
pinakaimportanteng leksyon minsan ay nanggagaling sa hindi pormal na
nakakatutong sitwasyon. Noong araw tayo ay natuto sa limang minuto na agwat na
oras ng klase kaysa labin-limang minuto na nasa opisyal tayo na tinuturuan sa
loob ng silid-aralan.
Minsan ang mga kailangan nating malaman
ay natutunan natin sa pormal na paraan gaya ng pagpasok sa klase o pagbasa ng
libro. Minsan naman natututunan natin sa hindi pormal o kaya sa aksidenteng
paraan: naririnig natin na pag-uusap sa bus o sa publikong lugar, o sa mga pinag-uusapan ng mga kakilala o
kaibigan, o kahit na sa isang kanta o musika sa radio na pinatugtog.
Gusto nating isipin na walang
aksidente.
Mga positibo na leksyon ay hindi lang
nalalaman sa positibong paraan. Ang pagkasira ng sasakyan na sinasakyan kahit
hindi ikaw ang may-ari, natututo tayo ng maraming leksyon: pagtanggap, ang
halaga ng mabuting pagplano, pasensya, ang kasiyahan ng pagseserbisyo, ang
pagpapasalamat sa serbisyo at iba pa.
Pwede rin nating magamit ang pagkasira
ng sasakyan na nasakyan natin para matuto, at muling matuto, at muli pang
matuto, napakahirap na mga leksyon: ang buhay ay hindi patas; walang pwedeng
mapagkatiwalaan; kung may di maayos na mangyayari, ito pa sa panahon na di
maganda sa atin; napakasakit ng buhay at namamatay tayo; walang nagmamahal sa
atin; at iba pa.
Nasimulan mo na bang makita ang papel
sa lahat ng ito? Ang silid-aralan ng buhay ay hindi sa elementarya, kung doon
na ang bawat leksyon at ang mga malalaman mo doon ay nakaplano na pati ang
recess. Pinili mo ang malalaman mo sa mga leksyon na iniharap sa iyo, at ang
pinili mo ay napakahalaga kung sa ano ang aktwal na natutunan mo.
Marami ang mga leksyon kapwa
nakapagbigay tibay ng loob o nakakapanghina, natututo tayo sa mga karanasan natin
sa buhay.
Karanasan, sinasabi, ay ang pinakamahusay
na guro, nagbibigay syempre, para maging pinakamahusay tayong estudyante.
Pero sino, talaga, ang guro?
Ang
unibersidad ay kailangan ligtas na kalinga kung saan ang walang awa na pagsusuri
sa reyalidad ay hindi masisira para lang sa pakay na magustuhan o maiwasan ang
sakuna ng di pagtanggap o pagkagusto ng iba.
Ang
pinakaimportanteng tungkulin ng edukasyon kahit sa anong level ay para
makalinang ng personalidad ng kada tao at ang halaga ng kanyang buhay sa kanya
at sa iba. Ito ang pinakaimportanteng arkitektura ng buhay; ang iba palamuti at
dekorasyon lang ng struktura.
Post a Comment