Ang kasiyahan o kagalakan ay
kawiliwiling salita. Ito ay mararamdaman kahit ano pa ang ibang nangyayari sa
paligid, kahit ano pa ang ibang iniisip, at kahit ano pa ang ibang damdamin o
pisikal na nararamdaman.
Kung ang iba ay masaya sa isang
kadahilanan, may ibang masaya na hindi nila alam kung bakit sila masaya, ang
isasagot lang nila “ewan ko nararamdaman ko lang na masaya ako!” Kaya ito ay
talagang nasa buhay. Kung ang buhay ay totoong di maayos, pwede tayong
magmaktol o magbuntong hininga sa kapalaran na nakamtan o kaya magagalit, malilito
at masasaktan pero sasabihin natin sa sarili na “mayroon sigurong leksyon dito!”
Matutong magalak o magsaya sa proseso ng
pagkatuto.
Kung noong araw na may marami pang
dapat matutuhan, ikaw ay natutong magsaya sa kasiyahan. Noong panahon na walang
pang kompyuters, cellphones, at iba’t ibang gadgets, nakuha nilang magalak at
magsaya, ano pa kaya ngayon.
Ang galak o saya sa katunayan ay hindi
lang maramdaman habang natuto ka ng leksyon; pwede din itong gawing paraan para
matutunan ang pinakamalalim sa lahat ng leksyon. “Sa mata ng matiwasay na
kapangyarihan ng pagkakaisa at malalim na kapangyarihan ng kagalakan, makita
natin ang buhay ng mga bagay.”
Hanapin mo,
aking katauhan ang buhay na walang kamatayan pero magalak na buo sa kayamanan
na abot-kamay lang.
Ang ganda ng
buhay ng tao, ang simpleng pagkabuhay! Paano maging akma sa lahat ng puso at
katauhan at pandama ng walang hanggang kasiyahan.
Post a Comment