Ang buhay ay para matuto? Matuto sa
ano? Pangalanan mo ito. Ang daming bagay na dapat matutunan. Sa unang limang
taon natuto tayo ng mga pisikal na koordinasyon, paglakad, pagsasalita,
pagkakain, makipag-usap sa ating pamilya at mga kalaro, andaming katotohanan
tungkol sa planetang ito, lahat ng bagay na nag iiba sa isang limang taong
gulang na bata sa bagong silang na sanggol.
Simula nong limang taon hanggang sa
sampu, natuto tayong magbasa, magsulat at magkwenta ng numero sa arithmetic,
geography, history, science, music, sports at kung hindi tayo nanonood ng
telebisyon, natuto tayo tungkol sa iba’t ibang tao: kaibigan, kapamilya,
kaaway, kakampi, kalaban at iba pa.
At ang pagkatuto ay tuloy-tuloy. Ang
iba na natututunan natin ng mas maaga ay kadalasan may katotohanan katulad ng:
ang mundo ay bilog, kung gusto mo ng kaibigan, maging kaibigan ka; at ang iba
kadalasan ay hindi naman totoo katulad ni Santa Klaus, the Tooth Fairy.
Ang ibang bagay ay kailangang matutuhan
ulit o di na kailangan pa at habang natuto kang muli o hindi, natuto tayong
tanggapin ang pagkabigo o hindi rin.
Kung titingnan natin ang buhay ng
karamihan sa tao, makikita natin ang maladramang paglaki sa edad na labing lima
o dalawampu. Pagkatapos ang paglaki ay hihina, hihinto sa ibang kaso o dahilan.
Ang nangyayari ay ang karamihan sa tao nagsasabi
sa sarili na “tapos na” kung makapagtapos na sila ng pormal na edukasyon. Ano ba
ang mero sa toga at diploma na makapagsalita tayo na tapos na ang mga araw para
tayo ay matuto?
Hindi ibig sabihin na wala ng natira na
kailangan pang matuto. Ang layo nito sa salitang “Commencement” na hindi lang
ibig sabihin na graduation; ang ibig sabihin nito ay ang bagong simula.
Kung anong dami ng ating natutunan,
iyon din ang dami ng ating magawa. At kung anong dami ng ating ginagawa, ganun
din ang dami ng ating matutunan. Pero sa lahat nitong ginagawa at natutunan
natin, dapat di natin makalimutan ang pinakaimportanteng leksyon, ang
pagpapasaya.
Isuot mo ang
iyong natututunan na parang relo sa bulsa, h’wag mong ilabas ito para lang
ipakita na meron ka nito, kundi para magamit mo.
Hindi makuha
ang natututunan sa swerte, hinahanap ito kasama ang alab at sipag.
Post a Comment