Ang tunay na nagtuturo sa buhay ay
hindi ang karanasan. Ito ay hindi maulinigan sa mga usap-usapan o linya ng mga
kanta or mababasa sa mga libro o sa mga taong sumusulat ng libro.
Ang tunay na guro ay IKAW. Ikaw ang nag
iisa na nagdedesisyon ng lahat na darating sa dadaanan mo, kung ano ang totoo o
hindi, kung ano ang pwede o at hindi pwede, kung ano ang matutunan ngayon at
kung ano ang ipangako mo sa sarili mo na dapat mong matutunan sa susunod.
Napapansin mo ba na ang dalawang tao na
nakakabasa ng parehong libro o nanonood ng sine o kumukuha ng parehong kurso
pero nakakaalaala ng magkaibang bagay? Ang pinakamahusay na gawa ng buhay ay
ang pagbigay ng leksyon sa iyo. Ikaw na ang bahala kung natutunan mo ba ito.
Ang dalawa sa atin ay walang magawang
mahusay sa buhay. Ang tanging magawa lang natin sa kasalukayan ay ilahad ang
mga punto ng pananaw nito, salaysay, mga paliwanag at kung anuman ang natutunan
natin at ng mga kaibigan natin sa karanasan.
Sa anong nailahad sa atin, na sa iyo na
kung sabihin mo na, “Oo, iyan ay tukma,” “Hindi yan tukma,” o “Gagawin ko muna
ito sandal at tingnan natin.” Kung ito ay tukma, tanggapin mo; sa iyo na.
Nilagyan lang natin ng salita ang paligid ng isang bagay na alam mo na.
Kung makikinig ka ng mabuti,
maparinggan mo o mapapansin ang isang tinig sa loob ng sarili mo. Ito ay isang
tinig ng iyong panloob na guro. Gagamitin natin ang salitang tinig, pero siguro
sa iyo pwede itong isang larawan o imahe o isang damdamin o pakiramdam o
pinagsamasama nito. Ito man ay hindi ang pinakamalakas na tinig diyan pero ito
ay tuloy tuloy, nagtiyatiyaga at makulit.
Ano ba ang tunog ng panloob na guro mo?
Ito ba ay katulad ng isang nagsabi ng “Ganito ang tunog ko.”
Kung ikaw ay katulad namin, siguro may
ibang tinig ka na sasagot sa parehong tanong, “Hindi, hindi, ganito ang tinig
ko.” “Walang panloob na tinig.” “Sobra pa sa isa ang tinig? Sinasabi na ba sa
iba na baliw ako? “Panloob na guro. Anong kabaliwan ito!”
Pero, sa ganitong tunog – nagmamahal,
nagpapahinahon o kaya nag aaliw kahit pa sa dulot nitong kaguluhan sa isang
tanong, ang panloob na guro na nagpapaalala sa iyo.
“Nandito ako, palagi lang akong
nandito. Ako ay nasa tabi mo, mahal kita.”
Natuto
tayo sa pagsisiwalat ng pagkabuhay, lalo na ang pag-aaral na dumaan ay hindi
pag-aaral kundi isang ritwal. Ang katotohanan na binigyan tayo ng pagtuturo ay sa
panahon na hindi natin pansin.
Post a Comment