Ano pa ba ang ibang tinig? Sinong
nagsasabi ng ganyang mga bagay? At ano ang ibig sabihin kung aming sasabihin, “Ikaw
ang tunay na guro?”
Subukan ang isang maikling pagsusuri.
Sa maikling sandali, pakiramdaman mo ang iyong katawan. Damhin at suriin ito
mula sa paa hanggang sa ulo. Ano ba ang pakiramdam nito? May mga parte ba na
sumisikip o umiigting? May mga parte ba na nararamdaman mong mabuti? May bahagi
ba ng katawan mo na masakit o di makilos? Nararamdaman mo ba ang pagkapagod o
alerto?
Ngayon, suriin mo ang iyong damdamin.
Ano bang nararamdaman mo? Nababagabag ka ba? Natatakot? Kuntento ba? Nagagalit ka
ba? o Kalmado? Ang damdamin ay dapat itong damhin sa loob at sa palibot ng puso
(sa gitna ng dibdib) at kahit na sa sikmura. Anong nararamdaman mo ngayon diyan?
Isa pang konting pagsusuri: pansinin ang
iniisip mo o ang saloobin? Ano ba ang iniisip mo? Pakinggan ang iyong diwa
habang ito ay lumalakbay sa isang proseso. Ang orasan ng utak ng tao ay mabilis
at ang sabi ay ito’y nakakaisip ng sanlibong salita sa isang minuto lang. Paano
ba natin ito mabilang, hindi natin alam. Paano ba maisalin ang nakikita at ang
nararamdaman sa kataga o mga salita, hindi rin natin alam. Dito natin
natuklasan na ang nagsasalita sa isipan natin ay dapat nating pakinggan kahit sandali
lang.
Salamat sa iyo. Ngayon, may isa pang
tanong: Sinong gumagawa ng lahat ng ito? Sinong nakiramdam sa katawan? Sino ba
ang nakiramdam sa damdamin? Sino ang nagsusuri ng isipan?
Siguro ito ay ang isang bagay na mas
malaki pa sa katawan, mas malaki pa sa damdamin, at mas malaki pa sa isipan.
Siguro ikaw yon.
Walang sinuman ang
kasingtulad ko. Kahit na naguguluhan ako sa mga ginagawa ko.
Post a Comment