Ang damdamin ay pinakamabuting bagay sa
atin, kung mabuti ang iyong nararamdaman. Wala pang pinakamabuti sa
nararamdaman ng mabuting damdamin.
Sa kabilang dako, kung ang damdamin ay
masama, gustuhin naman natin na sana wala tayong damdamin para wala tayong
mararamdaman. Kung gagamitin natin ang ating damdamin para makapagpatuloy tayo
sa buhay at baguhin natin ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng masamang
nararamdaman para magiging mabuti na uli ito, maiisip natin na kahit na ang
masamang damdamin ay nagbibigay kabutihan din pala sa atin.
Ang damdamin ay parang pag uga ng hibla/pisi
ng violin: ito ay pinakamahalaga sa isang kanta, pero hindi ito ang kakanyahan
(essence) ng isang violin.
Nararanasan nating ang pait at
kasiyahan sa buhay sa pamamagitan ng ating damdamin. Dahil dito, ang ibang tao
ay naiisip nila na sila ay ang kanilang damdamin. “Ang nararamdaman ko ay ako.”
Ang problema ay ang damdamin din ay
palaging mali sa kung ano talaga ito.
Nararamdaman ba ninyo ang damdamin na
mapagkatiwalaan mo ang isang tao pero hindi pala? Nararamdaman ba ninyo na
parang may masamang mangyari pero wala pala? Nararamdaman ba ninyo na gusto
mong mabuhay habang buhay na mahalin ang isang tao, at alam mo na ang
nangyayari sa iba nito o siguro hindi mo alam ang tunay na nangyari sa iba
nito.
Ang damdamin natin ay parang yoyo,
minsan paitaas, minsan naman paibaba. Pwede nating igala ang aso, o maggala sa
iba’t ibang lugar sa mundo o matulog. Ang yoyo ay nakakaaliw paglaruan pero
sino ang may hawak ng pisi nito?
Kung sino ang may hawak ng pisi, mas
higit pa sa pisi, hibla/pisi ng violin man o pisi ng yoyo, o pisi ng puso mo.
Post a Comment