Ang pananaw natin sa mundo ay gawa ng nakukuha
(perceived) natin sa ating pandama (senses). Kung ano ang personal nating
nalalaman tungkol sa mundo ay pwedeng nakikita, nahahawakan, nalalasahan,
naamoy o narinig.
Sa kasawiang palad, ang pandama nating
ay limitado, kaya ang pananaw natin sa mundo ay limitado rin. Hindi ito
problema kung simulan natin ito sa paniniwala na ang nakukuha natin sa ating
pandama ay nandiyan lahat para kuhain. Pero hindi iyan ang nangyayari.
Nakakaistorbo na balita sa mga
naniniwala ang katagang, “Kung hindi ko makita, malasahan, maamoy, marinig o
maramdaman, eh.. hindi ako intresado o kaya kalimutan ko nalang ito.”
Kung sasabihin namin sa iyo na ngayon
pa lang, mayroong daan daang tinig, larawan, kanta na pumupuno sa paligid mo
pero hindi mo man lang nakikita o naririnig ito, ano kaya ang iisipin mo?
Kung sasabihin mo, hindi na kailangan. O
kaya ipaliwanag mo sa sarili mo na kailangan pa kaya?
Sa ngayon napapaligiran ka ng alon alon
na enerhiya… parang isang kababalaghan.. pero ito ay ang transmisyon ng radyo,
telebisyon, cellphone, telepono at marami pang iba na gadgets sa komunikasyon.
Ang dahilan na hindi mo alam kasi hindi ito abot ng kakayahan sa pandama mo ang
mga signals na ito.
Kahit na ito ay nasa iba’t ibang klase
na natural o gawa sa tao na pangyayari, kung gagamitan nating ng tamang instrumento
para madama o makita natin ito, talagang malalaman natin na nandiyan ito. Pero
kung hindi, di natin malalaman ang presensiya nito.
Ang aso ay may kakayahan na nakaamoy at
nakakarinig ng mabuti kaysa sa tao. Ang pusa ay nakakakita ng mabuti sa dilim.
Ang ibon ay may sensitibong pandama sa anong galaw sa paligid. Kahit na ang
langaw parang may “alam” na hahampasin mo na ito.
Ang punto ay simple lang: Marami sa
buhay na hindi makikita sa mata o nakukuha sa pandama lang.
Post a Comment