Ang buhay, kung wala ng iba pa, ay
masugid na magtuturo. Inuulit ulit nito ang mga leksyon, pabalik balik hanggang
ito ay makapagpabago ng ugali, kahit sa panlabas o panloob o ang dalawa. Doon
din, kahit na nasa isip natin ito, ay hindi pa rin ito natin natutunan. Ang sesyon
o klase sa paaralan ay mananatili parin.
Ang magandang balita ay matutunan natin
ang lahat na gusto nating malaman. Ang masamang balita naman, ito ay
tuloy-tuloy at di matatapos hanggat di nayo natuto.
Minsan may nagsasabi na ang dalawang
bagay na makapagbigay ng tao ng kagustuhang matuto ay ang “curiosity” at ang “love”.
Di man tayo makapagsasabi sa kalagayan na naliliwanagan tayo sa isang sitwasyon
pero makapagsasabi tayo sa “level of curiosity o love” natin.
Pero kung ang “curiosity” natin sa
isang bagay ay hindi masagot? Binibigyan natin ng assurance ang sarili natin sa
kasabihang, walang tanong na walang sagot. Pinagkakatiwalaan natin ang
perpektong kalikasan na anumang “curiosity” natin, mayroong hanay ng mga bagay
sa mundo na gumigising sa ating kaisipan, ang hanay na may mga hanay ng mga bagay
na nagpapakuntento nito.
Ang buhay ay para/upang mabuhay, at ang
“curiosity” ay kailangang buhayin. Walang isa sa atin ang aayaw o kahit anumang
rason ang tatalikod sa buhay.
PERO BAKIT NATIN PINIPIGILAN ANG
MATUTO?
Kung nandito na tayo para matuto, at
kung tayo ay may “in-built desire” para matuto “curiosity”, bakit natin
pinipigilan ang matuto? Bakit?
Gamitin natin ang ideya ng isang maliit
na bata na tinuruan tungkol sa buhay ng kanyang magulang. Ang mga magulang ay
parang Diyos ng mga maliliit na bata, syempre “source” sila ng pagkain, mga
materyal na bagay, proteksyon, kaginhawaan sa buhay at pagmamahal at isa pa ang
mga magulang ay mas malaki sa kanila. Isipin natin kung anong respeto (kasama na
ang takot at mangha) sa taong may mas mataas at malaki pa sa atin ng antas at
katayuan sa atin.
Noong minsan walang interaksyon o
pag-uusap na nangyayari sa bahay sa mga magulang ng kaning mga anak at ng
biglang nagkaroon ng palagiang negatibo silang maririnig. “Ilang beses na
kitang pinagsabihan…”, “Wala ka na bang magawang tama?..”, “Ano bang nangyayari
sa iyo?”, at iba pang kahihiyan, masasakit, hindi maayos na maririnig. Kahit na
itong bukambibig na sinasabi nila ay walang kasamang pisikal, may bigat na dala
ito sa kanila.
Ano bang natatandaan ng bata sa isang
gabing kasama nya ang mga matatanda? Ang bat aba ay may naaalala sa mga oras na
lumipas na inilaan na may saysay? Naglalaro habang nagbabasa si daddy at may
ginagawa si mommy, o nakakaalala ba ang bata sa sampung minutong “masamang bata
ka”, “matigas ulo mo”, kahihiyan na paulit ulit lang.
Ang negative ay napakalakas at
nakakatakot, imagine ang taong mas malaki pa sa iyo sumisigaw sa iyo at lalo na
kung ito lang ang natatanging matatawag nila na interaksyon nila sa Diyos ng
kanilang bahay.
Kung ang isang bata ang natataning
natatandaan niya na paraan ng pakikipag usap galing sa kanyang mga magulang,
iyan ay hindi magagawa ng tama, magmatyag ng kasawian at hindi kawagian, ito pa
rin ay magbubunga ng pagkalugmok, o pagkatalo.
Ibig sabihin, ang bata ang sa simula pa
lang naniniwala na siya ay unang una pa lang hindi maganda, mabait, maayos,
magtatagumpay at naghihintay lang siya ng kasawian sa buhay at wala siyang kwenta
pa. Ang nakakasakit nyan ay walang sistema ng edukasyon na puspusang nagpipigil
nitong di tamang paniniwala. Ang meron lang ay tuturoan kita, gawin mo ito,
sumunod ka, gawin mo ito at abutin mo ang mataas na marka sa klase kasi kung
hindi wala ka talagang kwenta. Kung gagawin mo naman na abot lahat ng iyong
makakaya, minsan may magsasabi naman, “bakit palage ka na lang nag-aaral?”, “bakit
ka di lumalabas para maglaro?”, “ano bang nangyayari sa iyo?”, “wala ka bang
mga kaibigan?”
Syempre, walang sinumang gusto
masasabihan kahit saan na walang kwenta. Napakasakit kaya nyan. Kaya nag
iimbento na naman ng mga paraan ng pagdedepensa, kaugalian, kakayahan na
nagbibigay na ilusyon ng kaseguroan o “safety”. Kaya may napupuna tayo na magkapareparehong
mga pagdedepensa pero sa bago at iba’t ibang level nito. Ang sesyon o klase na
may limitasyon ay tuloy-tuloy at walang katapusan pa rin.
May sumasama sa mga membro nga club o
kasamahan o grupo. Hindi na tayo nag iisa.. at nagsisimula na tayong may silbi.
May mga kasama, barkada, kakampi, kapuso, kapatiran, sinusumbungan, naniniwala
sa ating at ano ano pa.
Ang kapatiran o kasamahan o grupo? Doon
o dito man ay may APAT na kabanata ng “Magtatago tayo sa lahat ng karanasan na puno
ng pasakit na walang kwentang naririnig” club international. Ito ay ang:
1. Ang Rebelde –
sila itong nag-iisip na independent kami. Meron sila nitong walang pakialam sa
mga batas na pinapasunod sa kanila. Sila ang mga “candidates” ng “revese
psychology”. Sumusunod sila sa kung ano ang hindi pinapasunod sa kanila. Kung ang
sinasabi na hindi ka tama ay di tama, kahit sa ano pang paraan, iyan ang nakakagawa
ng tama sa kanila.
2. Ang Walang Malay
– ito iyong mga tao na nandiyang lang pero wala sila diyan. Hindi sila tanga,
nandiyan sila sa ibang lugar kasi, sa lugar ng kawalan, sa isang concert, sa
may ice cream. Sila iyong bihasa sa imahinasyon at hindi sila tanga o walang
alam. Ginagawa lang nila ang makakaya, para makitang tanga, mahina, natutulog,
walang pakialam sa mga taong ayaw nilang makasama. Gusto nilang naiiwan at lumalayo
lalo na sa mga taong may hawak sa kanila.
3. Ang Puno Ng
Ginhawa – sila naman ang tumatago sa ginhawa. Lahat na hindi nagbibigay ng
ginhawa ay iniiwasan nila.. pero kung nagbibigay ito ng kaginhawaan ay
hinahanap at pinaghahanap nila: pagkain, paglalaro, gadgets, inumin, druga at
iba pa.
4. Ang Hanap ay
Pansin – ang pinakamaganda na paraan para sa kanila na mapatunayan ang silbi ay
marinig ang karamihan sa mga tao na nagsasabing ang gandaganda mo, ang
yamanyaman mo, ang talino mo, tama ka, ang galing mo, at iba pa. Mga taong
pumupuna sa taglay nilang kaayusan sa buhay. Nagpapakahirap sila upang makamtan
ang approval o pagpansin ng mabuti ng ibang tao sa kanila at pagtanggap, kunti
na ang panahon o wala ng panahon na hanapin ang sarili nila, kasi ang walang
kwenta man sa tingin nila ang sarili nila, di nila pinapansin kung ano ang
gusto nila kasi hindi na importante at walang silbi ang tingin nila ito. Ang
gusto ng ibang tao ang gusto nilang gawin para mapansin. Ito naman ang opposite
sa “Ang Rebelde” na tipo. Kung “Ang Rebelde” ay nagpasawalang silbi at pansin
sa mga sinasabi nga ibang tao, itong “Ang Hanap ay Pansin” nagbibigay halaga sa
kung ano ang opinyon ng ibang tao.
Siguro napaisip ka ngayon, nag-iisip ka
kung saan dito sa mga kabanata ang mga kaibigan mo. Kung nahihirapan kang
makita kung saan ka dito sa kabanata, itanong mo sa isang kaibigan o kamag anak
na nakakakilala talaga sa iyo. Hindi mo man gusto ang marinig pero kailangang
tanggapin mo ang sagot nila.
Note: Kung di mo matanggap ang sagot
nila sa tanong mo kung anong kabanata ka, ay siguro nasa Ang Rebel ka. Kung
matanggap mo agad ang pagsusuri ng tinatanungan mo tungkol sa kabanata mo,
siguro Ang Hanap ay Pansin ka. Kung kinalimutan mo nalang at pinagwalang bahala
kung anong kabanata ka, ikaw siguro ay Ang Walang Malay. Pero kung ikaw naman
ay natatakot na magtanong at di mo makayang magtanong, nasa Ang Puno ng Ginhawa
ka.. At kung walang kabanata na naayon ang ugali at katauhan mo, siguro ang
apat na kabanata ay nasa sa iyo lahat.
Karamihan sa atin ay nakakagamit sa
apat na kabata sa iba’t-ibang anggulo ng buhay natin. Minsan, Ang Rebelde tayo
sa bahay, Ang Walang Malay tayo sa relihiyon natin o sa simbahan, Ang Puno ng
Ginhawa tayo sa trabaho, at Ang Hanap ay Pansin tayo sa grupo ng kaibigan natin
sa social media o sa Facebook.
Ang apat na kabanata ay naghahanay rin
sa Apat na Paraan kung paano ang tao pumipigil sa leksyon ng buhay o para
matuto. (1) Ang Rebelde ay di na kailangan pang matuto; (2) Ang Walang Malay ay
di natatandaan kung bakit pa ba silang matuto; (3) Ang Puno ng Ginhawa ay
nakikita nila na kapahamakan ito; (4) at Ang Hanap ng Pansin ay ayaw nilang
malagay sa alanganin, pabayaan na lang iyan, doon ako sa mas sigurado na
mapansin at magustuhan ako.
Tayo ay may personal na kombinasyon sa
apat na ito, may kunti nito at kunti niyan na baka nagpipigil sa atin na
malalaman natin ang dapat nating matutunan.
Paano natin malabanan ang krisis na ito
sa ating sarili. Abangan!
Post a Comment