basahin dito ang karugtong (click home)

0

Image result for questioning life cartoon
Ano ba ang tungkol nito? Bakit tayo nandito? Ano ba ang punto? Meron bang punto? Bakit ba mag aabala pa?

Bakit buhay?

Sa isang punto, ikaw siguro ay nakapagnilaynilay o nagtatanong tungkol sa Kahulugan ng Buhay, at ikaw ay umabot sa nakakasayang sagot, na hindi napatatag sa pagsusulit ng panahon o pinabayaan mo nalang at nasambit mo na “anong pakialam ko oy!” o kaya “bahala na.”

Ang nakasunod kasi sa tanong ng “Anong kahulugan ng buhay?” ay syempre, “Mayroon bang kahulugan ang buhay?” Anong pakialam natin o bahala na. Galugarin muna natin ang pangalawang tanong at sabihin nalang natin na ang sagot ay OO.

Kung totoo man na ang buhay ay walang kahulugan, walang layunin, eh di, walang silbi ang ginugol natin sa pagninilaynilay sa kahulugan ng buhay. Sa katunayan, kung walang layunin ang buhay, walang silbi pala ang lahat. Parang sumasali tayo sa isang laro na walang patakaran, walang hangganan, walang puntos, walang ginagamit, kundi mga bilyon-bilyong manlalaro lamang.

Kaya simulan natin ang laro sa pagpalagay na may layunin ang buhay. Ang katanungan na ngayon ay “Kung mayroon mang kahulugan ang buhay, ano ba iyon?”
Ang sagot nito ay maaaring simulan natin dito at galugarin sa susunod na parte ng pagsusulat na ito.

Ang buhay ay para sa paggawa, pagkatuto at pagpasaya o pagkagalak.

Ang buhay ay pinakaimportanteng bagay na pinag uusapan.

Post a Comment

 
Top