Maligayang pagdating sa buhay.
Pagkatapos ng higit na sampu o labing
anim na taon sa pag-aaral sa eskwelahan siguro matuto ka na rin paano kukunin
ang sagot o sagutin mismo ang mga tanong sa Mathematika o Englis, pero hindi natin alam kung napatawad na ba natin ang ating sarili o ang
iba.
Alam siguro natin kung saang direksyon papunta
para mamuhay ang mga ibon pero hindi tayo sigurado kung saan tayo patutungo.
Hinihimay natin ang katawan ng palaka,
pero hindi man lang natin nahahalugad ang dinamika o paibaibang katayuan ng
relasyon ng tao.
Alam natin kung sino ang sumulat ng, “maging
o hindi maging, kaya iyan ang tanong,” pero di natin alam ang sagot.
Alam natin kung ano ang kilala nating
ang pinakamalit na nilalang sa mundo, pero di natin alam kung sino tayo.
Alam natin kung paano ibubuo ang
pangungusap, pero di natin alam paano mamahalin ang ating sarili.
Na ang sistema ng edukasyon natin ay
hindi dinesinyo para ituro ang sikreto ng buhay na hindi sikreto. Sa eskwelahan
natin nalaman paano gawin ang lahat pero hindi kung paano mabuhay.
Siguro ganyan talaga, ang paghihimay sa
mga misteryo ng buhay at pagdidiskubre ng mga sikreto ng buhay ay maaring
nangangailangan ng tapang at determinasyon na makikita lamang sa sariling udyok
ng pagtugis.
Sa pagsubaybay mo sa nilalathang
sinulat kong ito, siguro alam mo na mayroon pang mas malawak pa sa buhay ng
pagbabasa, pagsusulat at pagkukwenta sa mathematika.
Magpapasalamat tayo na alam nating kung
paano bumasa, magsulat at magkwenta sa mathematika. Ang isa at ang isa ay
dalawa, ang dalawa at ang isa pang dalawa ay apat, ang lima ay maging sampu
kung alam mo kung papaano.
Itong pagsusulat na ito ay tungkol sa
pag alam kung papaano at nalilibang habang ginagawa ito. Kung hindi tayo
malilibang, hindi tayo intresado.
Post a Comment