basahin dito ang karugtong (click home)

0

    Ano Kaya?

Image result for curiosity cartoon face
      
          Ano kaya kung ang buhay ay perpekto?

          Ano kaya kung nabuhay ka sa isang perpektong mundo kasama ang mga perpektong tao at mga perpektong bagay, na ang bawat isa at ang lahat ay gumagawa ng perpekto sa perpektong oras?

          Ano kaya kung nasa sa iyo na ang lahat ng gusto mo, ‘yung gusto mong maging sa iyo, at ‘yung ginusto mong makuha na maging sa iyo?
          Ano kaya kung pagkatapos mong magpakasasa sa perpektong buhay na ito, sa perpektong panahon, magsimula kang makaramdam ng pagkaasiwa tungkol sa pagtingin sa pagkaperpekto?

          Ano kaya kung pagkatapos ng hangganan ng dagdag na panahon, ikaw ay biglang mag-isip, “Parang may kulang na kapahamakan, pakikipagsapalaran at saya sa perpeksyon. Na umaayon ang lahat at sumusunod sa lahat ng panahon sa gusto mo ay nakakabagot na?

          Ano kaya kung pagkatapos ng perpektong panahon, masabi mo sa sarili mo, “Ang perpeksyon ay perpektong pagkabagot.

          Ano kaya kung sa puntong ito sa perpektong mundo mo, mapansin mo sa unang beses palang na ang isang marka ng “Sorpresa!”

          Ano kaya kung ikaw ay naglalakad at kinukunsidera lahat na maging laman ng konseptong sorpresa at mapaisip ka na “Kahit na anong bagay dyan ay mas maigi pa kaysa perpektong nakakabagot,” at mapabuntunghininga ka na lang at makikita mo sa sarili mo kung saan ka ngayon at ano ang naramdaman mo ngayon, inisip kung ano ang iniisip mo ngayon, kasama ang lahat sa buhay mo na dapat nasa iyo ngayon.

          Subaybayan natin dito ang lahat na gusto sana nating matutunan tungkol sa buhay na hindi natin natutunan sa eskwelahan natin.

Ang saysay ng ating mga ginagawa ay para makita na ang bawat isa ay may tsansa na masiguro ang pantay na pagkakataon, hindi maging pantay kundi maging iba, at mapagtantong maging ano paman ang kaibhan ng iyong potensyal na pangangatawan, pag-iisip at katauhan na angkin.

Sa pangkolehiyong edad, masabi mo kung sino ang pinakamahusay sa klase, pero di mo masabi kung sino ang pinakamahusay na tao na hindi magbibigay sa iyo ng alalahanin.

Ang taong mausisa lang ang matuto at ang walang tinag na makakaya ang balakid ng karunungan. Ang liksi sa paghahanap ay mas nakakamangha kaysa sa katalinuhan.

Post a Comment

 
Top