basahin dito ang karugtong (click home)

0
Image result for reading computer cartoon
Bagaman marami man ang matutunan sa kahirapan, kadalasan na matutunan ay sa pamamagitan ng pagtawa at saya. Kung ikaw ay katulad namin, siguro madami ka na ring nadadaanan na kahirapan. Kadalasan kasi sa mga taong nakatapos na sa lahat ng antas ng pag-aaral ay awtomatikong nakaranas na rin sa lahat ng antas ng kahirapan at posibleng nagpapaenrol na naman sa bago pang antas.

Tayo ay sinsero sa buhay pero hindi tayo seryoso nito. Kung naghahanap tayo ng seryoso, pilosopo at pagsesermon, di natin to makikita rito. Tayo ay magtalakay na may magaang puso sa mga daan-daang pamamaraan at suhestiyon, at ang isa’t-isa nito ay gawan natin ng kaparehong suhestiyon. Subukan natin.

Kung epektibo ito sa iyo, mabuti, gamitin mo, at sa iyo na. Pero kung hindi ito epektibo, pabayaan mo nalang at hanapin mo kung ano ang pwede para sa iyo.
Hindi lahat na sinusulat dito ay tungkol at para sa iyo. Ang nilalahad natin dito ay hindi pagkain ng isang salo-salo, na ang iba’t-ibang menu ay ang tinatakam ng bawat isa na dumalo.

Kung may mabasa ka na para sa iyo ay hindi tugma at tama, huwag mo namang idamay ang lahat na sinusulat dito kasi pwedeng tugma at tama ito sa iba na nakakabasa nito. Malaki ang mundo, at ang buhay ay marami ding katotohanan. Kunin mo nalang kung ano ang magamit mo at iwan mo nalang ang iba dito.

Noong isinilang ka, siguro hindi ka naiwelcome o naibati ng masayang pagdating sa buhay na ito, pero di mo pa alam masyado kasi nasa sinapupunan ka pa o napakabata mo pa. Kaya simula ngayon habang binabasa mo ang sinusulat na ito, nanamnamin mo ang pagbati ng welcome sa iyo ngayon. Kahit na mga letra lang ang nagbabati sa iyo, pwede mong maramdaman ang init ng pagwelcome sa iyo, nasa pagpili mo lang na ang panahon na igugugol mo dito sa binasa mo ay magiging mainit at magandang pagsasama ng mga laman nito.

Welcome po!

Hindi natin makukuha lang ang karunungan, ito ay matutuklasan natin pagkatapos ng paglalakbay na walang nag aanyaya o tinatanggihan ka.

Post a Comment

 
Top