basahin dito ang karugtong (click home)

0
Related image
Isang bagay tungkol sa tao ay: tayo ay gumagawang nilalang. Tayo ay palaging may ginagawang bagay. Kung wala tayong ginagawang bagay, ito ay iniisip pa nating gawin, na syempre, isang paggawa. Nag eehersisyo tayo para mapanatiling porma ang katawan natin, upang gagawin pa itong palage.

Ang tao ay mahusay na dinisenyo para sa paggawa. Hindi katulad ng puno, ang katawan natin ay nakakagalaw sa iba’t ibang lugar. Ang damdamin natin ay pwedeng malipat sa kasiyahan at kalungkutan, palipat lipat kahit pa sa isang minuto lang. Ang pag iisip o saloobin natin ay pwedeng magdala sa atin kahit saang lugar pisikal; ang alaala ay pwedeng magdala sa atin pabalik sa nakaraan, at ang katalinuhan na mag abang ng hinaharap, at ang imahinasyon na magdala sa atin sa mga lugar na hindi pa natin narating.

Ginagawa rin natin ito sa kalikasan, pangalanan mo, at ang tao ay may dinadala dito o may ginagawa nito. Parang tayo ay nakatungo sa pagbabago ng ayos ng mundo. Nag iimbento ng kasangkapan para mailipat o madala ang isang bagay na hindi mailipat o madala ng ating katawan lamang.

Minsan ang iba na nagtatagumpay sa larangan na ito ay makapagsabi sa sarili na “Ganito sana ang gustong gawin ng Diyos kung may pera pa Siya!”

Makikita natin palage na ang ginagawa ng tao ay nahahalintulad sa hindi makaugaga na ginagawa ng mga langgam. Minsan magtataka tayo “Ano ba ang layunin nitong lahat na ginagawa natin?” Sa huli mapaisip tayo na hindi naman tayo mga bato na walang pwedeng magawa. Binigyan naman tayo nang walang alinlangan na kakayahan na gumawa, bakit kaya?

Kailangan tayo, syempre, gumawa upang matugunan natin ang ating pangangailangan sa sarili, pero kahit na matugunan na natin ang mga pangangailangan na ito,   gumagawa parin tayo. Bakit? Ang ating suhestiyon ay: ang ginagawa natin ay nagbibigay-daan para matuto.

Ang mga bagay na napanalunan ay pinagtatrabahuan; ang masayang katauhan ay nakukuha sa paggawa.

Post a Comment

 
Top